Tita Gina's Forums

Everything under the naked sun...
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  Log in  

Share | 
 

 Don't you agree???

Go down 
AuthorMessage
Buknoy
Border
Border
avatar

Male Number of posts : 439
Age : 30
Location : Sa tabi-tabi ng Batangas
Course : BosSpaHiRaM
Job/Hobbies : Tambay
Registration date : 2006-09-10

PostSubject: Don't you agree???   Mon Sep 11, 2006 3:29 am

Mga Babae Talaga Oo

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi. “Hindi pa ‘ko ready eh..”, “Sorry pero I think we should just be friends..”, “Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.
Back to top Go down
View user profile
The Mod
Moderator
Moderator
avatar

Male Number of posts : 241
Age : 32
Location : BesideMyMako
Course : BS ComSci [dati]
Job/Hobbies : spamming
Registration date : 2006-09-02

PostSubject: Re: Don't you agree???   Mon Sep 11, 2006 12:14 pm

if i ain't wrong.. tis is comin from a girl.. whhehe

_________________
Name: Jigno Alfred Venezuela
Course: BS Computer Science
Friendster: badd_lahk@yahoo.com

Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/baddlahk
heir24
Baguhan
Baguhan


Male Number of posts : 5
Age : 29
Location : palaboy sa tanauan at lipa...
Course : BS Nursing
Job/Hobbies : playing bahay-bahayan..jamming with my band..studying(my GF)
Registration date : 2006-09-03

PostSubject: uu nga...   Mon Sep 11, 2006 1:15 pm

i agree...
haba ng coment ko noh...
dont you agree?hehe
Back to top Go down
View user profile
bulate
Admin
Admin
avatar

Male Number of posts : 139
Age : 34
Location : Luta Sur Malvar
Course : B.uwiS.I.T.
Job/Hobbies : Part-time student, full-time tambay
Registration date : 2006-08-31

PostSubject: Re: Don't you agree???   Tue Sep 12, 2006 3:55 pm

tama ka 'the mod'...

i thought this corner is 'for the boys'...

sala yata ahh...

pero, sa totoo lang ok yung post...

_________________
And all that i was is just a...
TRAGEDY


Mark Elgene Labay a.k.a Bulate
Faith BSIT
l_gin08@yahoo.com
Back to top Go down
View user profile
The Mod
Moderator
Moderator
avatar

Male Number of posts : 241
Age : 32
Location : BesideMyMako
Course : BS ComSci [dati]
Job/Hobbies : spamming
Registration date : 2006-09-02

PostSubject: Re: Don't you agree???   Wed Sep 13, 2006 3:36 am

its ok.. its still under the thread description.. its STILL for the boys.. haha

_________________
Name: Jigno Alfred Venezuela
Course: BS Computer Science
Friendster: badd_lahk@yahoo.com

Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/baddlahk
The Mod
Moderator
Moderator
avatar

Male Number of posts : 241
Age : 32
Location : BesideMyMako
Course : BS ComSci [dati]
Job/Hobbies : spamming
Registration date : 2006-09-02

PostSubject: Re: Don't you agree???   Wed Sep 13, 2006 3:36 am

and btw, girls are for the boys.. right?! :evilgrin:

_________________
Name: Jigno Alfred Venezuela
Course: BS Computer Science
Friendster: badd_lahk@yahoo.com

Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/baddlahk
bulate
Admin
Admin
avatar

Male Number of posts : 139
Age : 34
Location : Luta Sur Malvar
Course : B.uwiS.I.T.
Job/Hobbies : Part-time student, full-time tambay
Registration date : 2006-08-31

PostSubject: Re: Don't you agree???   Fri Sep 15, 2006 4:13 am

RIGHT...

*GRIN*

_________________
And all that i was is just a...
TRAGEDY


Mark Elgene Labay a.k.a Bulate
Faith BSIT
l_gin08@yahoo.com
Back to top Go down
View user profile
czheenczhan21
Tambay
Tambay
avatar

Male Number of posts : 42
Age : 30
Location : brgy. 3, tanauan city, batangas
Course : BSA-CPA (Camote-Pala-Ako)
Job/Hobbies : DRUMMER 4 hire
Registration date : 2006-09-02

PostSubject: Re: Don't you agree???   Fri Sep 22, 2006 12:37 am

santa
i second the moti0n.!
Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/litelapol21
Sponsored content




PostSubject: Re: Don't you agree???   

Back to top Go down
 
Don't you agree???
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Do you agree with Voltaire that "those who can make you believe absurdities can make you commit atrocities"?
» Gerry McCann calls for press control laws – and 75% of the public agree
» Rules as of 04/03/15 - Please read and agree before posting! {UPDATED 31/1/15}
» Do you agree with David Puttnam that "the media have a duty to inform and not inflame"?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tita Gina's Forums :: General Disscussions :: For The Boys-
Jump to: